Filipino Youth for Peace

Young Filipinos opposed to the US war on Iraq

Tanong-Sagot sa War on Iraq

[NOTE: Ang susunod ay akda ni Charles Sheketoff, ang patnugot tagapamahala ng Oregon Center for Public Policy sa Amerika. May pamagat na “Take the War-on-Iraq IQ test,” ito ay ay inilathala sa pitak ng kolumnistang si Conrado De Quiros ng pahayang Philippine Daily Inquirer kamakailan. Ito ay amin ding inilalathala sa layuning maibigay sa simpleng paraan ang konteksto ng napipintong digma sa Iraq na isinusulong ng pamahalaang Bush ng Amerika.]

Tanong: Anong bahagdan ng populasyon ng daigdig ang nasa Amerika?

Sagot: Anim na bahagdan. (6%)

T: Anong bahagdan ng kayamanan ng daigdig ang nasa Amerika?

S: 50 bahagdan. (50%)

T: Aling bansa ang may pinakamalaking imbak ng langis?

S: Saudi Arabia

T: Aling bansa ang may pangalawang pinakamalaking imbak ng langis?

S: Iraq

T: Magkano ang itinutustos sa mga pang-militar na gastusin sa buong daigdig bawat taon?

S: Mahigit 900 milyong dolyar. ($900,000,000)

T: Anong bahagidan nito ang ginagastos ng Amerika?

S: 50 bahagdan. (50%)

T: Anong bahagdan ng pang-militar na gastos ng Amerika ang makapagtitiyak ng mga payak na pangangailan sa buhay ng lahat ng tao sa daigdig, ayon sa Nagkakaisang Bansa (UN)?

S:10 bahagdan (Katumbas ay 40 bilyong dolyar, ang halagang unang hiniling upang matustusan ang paganting atake ng Amerika sa Afghanistan).

T: Ilang tao na ang namatay sa mga digmaan simula noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig?

S: 86 milyon.

T: Gaano na katagal mayroong mga armas na kemikal at biyolohikal ang Iraq?

S: Noon pang simula ng Dekada 80.

T: Nagawa bang mag-isa ng Iraq ang mga armas kemikal at biyolohikal na ito?

S: Hindi.Ang mga gamit at teknolohiya ay galing sa pamahalaang Amerika, kasama ang Britanya, at mga pribadong kumpanya.

T: Kinondena ba ng pamahalaang Amerika ang paggamit ng Iraq ng nakalalasong gas upang digmain ang Iran?

S: Hindi.

T: Ilang tao ang napatay ni Saddam Hussein sa pamamagitan ng gas sa bayan ng mga Kurd na Halabja noong 1988?

S: 5,000.

T: Ilang bayan sa Kanluran ang nagkondena ng pangyayaring ito noong panahong iyon?

S: Wala.

T: Ilang galon ng Agent Orange (nakalalasong herbisilyo) ang ginamit ng Amerika sa Vietnam?

S: 17 milyon.

T: May mga tiyak na kaugnayan ba ang Iraq sa teroristang atake (sa New York) noong ika-11 ng Setyembre?

S: Wala.

T: Ano ang tinatantiyang bilang ng mga sibilyan na nasaktan sa digmaan sa Gulpo?
S: 35,000

T: Ilang paatras na sundalong Iraqi ang nalibing ng buhay ng mga tangke ng Amerikang may mga araro sa unahan?

S: 6,000

T: Ilang tonelada ng depleted uranium ang naiwan sa Iraq at Kuwait pagkatapos ng Digmaan sa Gulpo?

S: 40 tonelada.

T: Ayon sa UN, gaano tumaas ang antas ng kanser sa Iraq mula 1991 at 1994?

S: 700 bahagdan. (700%)

T: Gaano kalaking bahagi ng kakayahang militar ng Iraq ang sinabi ng Amerikang nasira nila noong 1991?

S: 80 bahagdan. (80%)

T: May katunayan bang ibinigay sa mga sinasabing balak ng Iraq na gamitin ang kanyang mga armas sa ibang dahilan maliban sa pagpigil ng digma at pagtatanggol sa sarili?

S: Wala.

T: Ang Iraq ba sa kasalukuyan ay mas banta sa pandaigdigang kapayapaan kaysa sampung taon ang nakaraan?

S: Hindi.

T: Ilang patay sa panig ng mga sibilyan ang nakikinita ng Pentagon (Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng US) sakaling magkaroon ng atake sa Iraq sa 2002/3?

S: 10,000

T: Anong bahagdan nito ang mga bata?

S: Mahigit 50 bahagdan.

T: Ilan taon nang nagsasagawa ng pagsalakay mula sa himpapawid (air strike) ang Amerika sa Iraq?

S: 11 taon.

T: Ang Amerika ba at United Kingdom ay nakidigma sa Iraq mula Disyembre 1998 at Setyembre 1999?

S: Hindi

T: Ilang libra (pounds) ng pasabog ang hinulog sa Iraq mula Disyembre, 1998 at Setyembre, 1999?

S: 20 milyon.

T: Ilan taon na mula nang ipasa ang Resoluszyon Bilang 661 ng Nagkakaisang Bansa, na nagpapataw ng mga mahigpit na pagbabawal sa mga produktong inaangkat at iniluluwas ng Iraq?

S: 12 taon.

T: Ano ang antas ng pagkamatay (death rate) ng mga bata sa Iraq noong 1989 sa bawat 1,000 ipinapanganak?

S: 38

T: Ano ang tinatayang antas ng pagkamatay ng mga bata sa Iraq noong 1999 sa bawat 1,000 ipinapanganak?

S: 131 (may pagtaas na 345 bahagdan)

T: Ilang Iraqi ang tinatayang namatay noong Oktubre, 1999 dahil sa mga pagbabawal ng UN?

S: 1.5 milyon.

T: Ilang batang Iraqi ang tinatantiyang namatay dahil sa mga pagbabawal na ito simula noong 1997?

S: 750,000

T: Pinaalis ba ni Saddam ang mga nagsisiyat (ng armas mula sa UN) sa Iraq?

S: Hindi.

T: Ilang pagsisiyasat ang isinagawa noong Nobyembre at Disyembre 1998?

S: 300

T: Ilan sa mga pagsisiyasat na ito ang nagka-problema?

S: 5

T: Pinayagan bang pumasok ang mga tagapagsiyasat ng armas sa punong tanggapan ng partidong Ba’arth (ni Saddam)?

S: Oo.

T: Sino ang nagsabi noong Disyembre 1998 na “Ang tutoo, ang Iraq ay tinanggalan ng armas sa antas na hindi pa nararating sa modernong kasaysayan?”

S: Scott Ritter, pinuno ng UN-SCOM

T: Noong 1998, anong bahagdan ng kakayahan ng Iraq, magmula 1991, sa pagpapaunlad ng mga armas pangmalawakang pagsira (weapons of mass destruction), ang sinabi ng mga tagapagsiyasat ng armas ng UN na kanilang nakita at nalansag?

S: 90 bahagdan.

T: Payag ba ang Iraq na papasuking muli ang mga tagapagsiyasat ng armas?

S: Oo.

T: Ilang resolusyon ng UN tungkol sa Israel ang binaliktad ng Amerika mula 1972 hanggang 1990?

S: Mahigit 30.

T: Ilang bansa ang may mga armas nukleyar?

S: 8

T: Ilan ang mga nuclear warheads ng Iraq?

S: Wala

T: Ilan ang mga nuclear warheads ng Amerika?

S: Mahigit 10,000

T: Aling bansa ang gumamit na ng armas nuklyear?

S: Ang Amerika

T: Ilan ang nuclear warheads ng Israel?

S: Mahigit 400

T: Sino ang nagsabing “Ang ating buhay ay nagsisimulang matapos kapag tayo ay naging tahimik sa mga bagay na may katuturan”?

S: Dr. Martin Luther King Jr.

http://www.bwf.org/balikas/2003/11/la_01.shtml

No comments yet. Be the first.

Leave a reply

You must be logged in to post a comment.